Isa pala ako sa hindi na required pumasok sa PE2 badminton class namin dahil nakapaglaro na ko ng doubles. Yung mga hindi lang pala nakakapaglaro pa yung kailangan pumasok. Pero buti na rin na pumasok ako. Last day na to ng klase eh. Last chance ko na rin [siguro] na makita siya.
Kala ko hindi siya papasok kasi umalis agad siya sa interclass tournament nung Sabado. Pagkatapos pa kasi ng championship matches inannounce ni Coach Toni na may pasok pa kami. Wala na siya nun. Pero buti na lang naisipan niyang pumasok.
Diretso laro agad. Nakalimutan na namin mag-warm up. Pero ayos pa din naman yung mga naging laro. Ang saya saya. :) Tapos konting picture-taking chuchu kasama si Coach. Nakalimutan kong magdala ng camera. Buti may dala si Nikki. Magkalayo man kami ng pwesto, at least may picture na kaming magkasama diba.Ay para kong tanga. Haha.
Hindi ko na tinapos yung huling laro ko kasi 4PM na. Gusto kong maligo muna bago pumasok sa susunod kong klase ng 5:30PM. Binagtas ko yung kahabaan ng daan mula Copeland hanggang arko sa may AnSci. Dun ako sumakay ng jeep pauwi sa dorm. Nung una ako lang ata ng driver yung nasa jeep. Paalis na sana pero may sumakay na isa pa at umupo sa may side na inuupuan ko. Siya.
Napangiti ako pero sa labas ng bintana nakatingin. Hindi naman siguro niya nakita. HAHA. Shets, ang korni na nitong post na to. Sorry. >.<
Tapos nagkausap kami. Hindi ko inexpect. Siguro baka dahil kami lang naman yung pasahero sa jeep. Pero yun na yung pinakamahaba naming pag-uusap out of two conversations. Kasi kaya lang naman kami nakapagusap nung una dahil magkalaban kami sa badminton. Tapos kundi "sorry" at "ikaw na" ang sinasabi namin eh nagkakatinginan lang kami. Hihi.
So yun. Gentleman din [ata] siya. Pinauna niya kong makababa sa jeep. Tsaka siya sumunod. Sa Raymundo din kasi siya bumababa. Okay tapos na yung kwento ko. Haha.
Ang babaw, alam ko, pero natutuwa ako talaga. Binuo nito yung araw ko kahit hindi pa talaga tapos yung araw. Kahit na ang dami kong gagawin, at madami ding exams bukas, ang saya lang. :) Biruin mo, last day na ng klase may ganito pang nangyari.
Sa'yo. Salamat kahit siguro sa tingin mo eh wala ka namang ginawa. Meron. Kasi dahil sa'yo [yata] eh pumapasok ako sa klase kahit ang layo layo ng Copeland. At pinapasaya mo ko sa kung anong dahilan. Alam kong wala naman tong patutunguhan pero salamat na din. Isa ka sa mga dahilan kung bakit excited akong magTuesday at magThursday sa mga huling linggo ng sem na to. :)