Monday, February 21, 2011

Los Banos

Photo from dontpanicitsorganic|Tumblr


Nakaka-emoshit pag iniisip ko na darating ang araw na iiwan ko rin to. Saan man ako magpunta, wala pa ring makakapalit sa LB, sa mga masasaya at maging mga karimarimarim na pangyayari, lalo na sa mga taong nakilala ko sa ilang taong pamamalagi ko sa lugar na yun. Hindi ako nagsisising nagpauto ako sa nanay ko na pumasok ng UPLB imbes na UST (na gustung-gusto ko talaga ang course ko dun: BS Psychology) at naging matigas ang ulo ko dati na hindi sundin yung utos ng nanay ko na lumipat ng Diliman para daw mas malapit sa bahay namin. Umalis man ako, babalik-balikan kita kahit ilang oras pa ang byahe. Kung malayo man ako, tatanawin kita sa puso at isipan ko. :”>


Nagmamahal,
Alyssang Tagabundok