Wednesday, March 31, 2010

Waterfalls

Sina Eba at Adan ba ay naging magkasintahan muna at nakaranas din ng cool off at break-up?

Naisip ko lang. Natawa ko na naisip ko yun. Walang kwenta talaga mga pinag-iisip ko nitong mga nagdaang huling araw ng semestre. Marahil, pagod lang yung utak ko na magisip ng malalalim at may kabuluhan dahil yun na yung isnasaksak ko sa sarili ko sa loob ng buong sem (na araw-araw ko namang isinusuka).

Pero hindi nga, na-curious din ako. Palibhasa, hindi ako mapagbasa ng Bible (sorry po Papa God), kaya kung may hint man dun tungkol sa tanong ko ay hindi ko alam. Kayo ba, alam niyo? Hmm.

Echos lang yung nasa taas. Pero totoong naisip ko yun. Ang gusto ko lang naman talaga isulat sa entry na ito ay yung mga hinanakit ko. Gusto ko lang ilabas. Pero parang hanggang ngayon, habang tnatype ko sa laptop to, in denial pa rin ako. Tae. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano ang masakit, ano ang hindi, ano ang masaya. Parang pare-pareho na lang sila ng dating sa akin.

Masakit. Ang sakit sakit na. Yun madalas kong ibulong sa sarili ko. Pero hindi ko alam kung yun ba talaga nararamdaman ko ng kusa o kailangan ko pa talagang sabihin sa sarili ko na masakit para umakting iyon na nasasaktan. Ngayon, parang magkakahiwalay yung isip, damdamin at kaluluwa ko. Hindi ko maexplain. Galit galit muna ata silang tatlo ngayon. Hindi synchronized.

Ikaw isip, ikaw damdamin, ikaw kaluluwa. Magbati bati na kayo, please? Kasi hindi ko alam yung dapat kong maramdaman. Makipagcooperate naman kayo sa akin. Para naman kayong others niyan eh.

Isang patak ng luha.

May sumunod pa.

Waterfalls. Woo.
Sisa. Oo, ako na si Sisa mula ngayon.

No comments:

Post a Comment