Tuesday, September 14, 2010

Another side

Kanina, sinabi ni Sir-nakalimutan-ko-ang-pangalan (isang forester), 2% na lang daw ang forests dito sa Pilipinas. Wala na daw forests dito na “virgin”, meaning, unexplored at hindi pa natatapakan ng kahit sino. Sinabi din niya na nung 1989 daw nung pumasok siya sa UPLB ay walang mga puno sa Freedom Park at sa may paakyat ng Forestry. Ang “buntis” trees malapit sa may Never-ending Bridge ay noong 1993 lang itinanim. Mabilis lang naman daw ang regeneration rate. So sabi naman ni Dr. Cardenas (prof namin sa Economic Botany) yung 2% na forest cover sa bansa ay kaya pang palakihin. Kaya naman daw palang mabawi kung tataniman.

Umiling si Sir-nakalimutan-ko-ang-pangalan at sabay sabing nagtrabaho siya dati sa ****, at doon, ang ginagawa nilang reforestation ay sa pamamagitan ng tulong ng community malapit sa target area. For 5 years, yung community na yun ang kinontrata na mag-aalaga sa area: magtatanim at kung anu-anu pa. Pero dahil nga pag naging successful na yung regeneration sa area na yun at kailangan nang i-turn over sa gobyerno, mawawalan ang mga tao sa community na yun ng trabaho, kaya bilang solusyon, sinusunog ulit nila yung area na inalagaan nila. Back to scratch.

Nakakalungkot lang isipin na ganon. Oo, naiintindihan kong salat tayo sa yaman kung pera at pera lang din ang usapan, salat tayo sa matitino at high-paying na trabaho. Pero bakit hanggang sa extent na yun? Wala akong masumbat dahil ako sa sarili ko, ay hindi naman isang self-confessed nature advocate. Pero nalulungkot ako na ganyan yung mentalidad. Sa halip na ilang porsyento na ng Philippine forests ang na-regain natin, na-hi-hinder pa ang full recovery dahil sa mga ganoong aksyon, na sorry pero para sa akin ay medyo makasarili.

Kung gusto natin ng maayos na mundo, unahin nating ayusin ang tingin natin sa mundo. Wala tayong mararating lahat kung patuloy na maghihilahan pababa.
First glance at Angat Dam. Oh, the blue waters.

The floating house where we had lunch.

A fish ornament adorning the floating house

My room mates during the whole Bio159 trip
L-R: Leine, Nalie, yours truly, Yna, Abbie and Hannah

My Bio 159 case study groupmates, our backs on the Angat Dam
L-R: Kaye, Abbie, yours truly and Josiah




No comments:

Post a Comment